Saturday, September 24, 2011
Round 2: “Loonie vs. Vice Ganda”



Loonie: Dito sa industriya, ang daming bakla. Buti na lang ako, Boy Scout, laging handa. / Wag mong sabihin sakin na, up to this day, parati ka paring sumasali ng Ms. Gay. Higante mong labi parati mong dinidisplay, sa sobrang laki akalain mo yung lipstick di-spray.

Vice Ganda: WOW! Hiyang hiya naman ako sa panglalait mo sakin, kala mo kung sino kang perpekto at sobrang gwapo. Matanong ko nga lang sayo, san ka ba pinanganak? Sa ospital o sa inidoro? / At tingnan mo nga yang tenga mo meron ka pang suot na makintab na bling-bling pati yang leeg mo meron ka pang mga tato, ang dugyot dugyot ng itsura mo, para kang uod sa paso.

Loonie: Eto si ahh, eto si Vice pabida palage, lalim-laliman porket parang salbabida yung labe. Kung ako sayo, isarado mo yang bunganga mong mapapel para kang kontrata na masyadong mapapel at halata naman na bakla ka kase magastos ka sa gel. Pag sinapak kita ubos lahat ng ngipin mo, pustahan tayo Vice, bukas na ang gising mo, bulok lahat ng hirit mo, supot ka pa aminin mo, sa laki ng bunganga mo kaya mong bulungan sarili mo.

Vice Ganda: Huwaw naman! Tingnan mo nga ang suot mo, ang taray camouflage, tamang tama sa gera, saktong sakto sa muka mo na parang pinutukan ng bazooka. / Pag tinititigan nga kita sobra kong naaalibadbaran, di ko malaman kung muka ba yan o pantal, siguro yan ang produkto pag nagkatuluyan si dagul at si mahal.



POST DETAILS:
Posted on September/24/2011
Tagged as: Vice Ganda, pinoy pick up lines, pinoy fliptop, pinoy banat,

POST NOTES:
  1. liveandlalalove reblogged this from jaselisa
  2. jaselisa posted this


Theme by: KAWAIISECRETS. Powered by: Tumblr.